Paano Mag-Online SSS ACOP: Step-by-Step Guide Gamit ang National ID at Facial Scan

Hello, mga mamshie! Napansin niyo ba ang mahabang pila sa SSS branches lately? Sobrang dagsa ng tao dahil sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) and other purposes! Imbis na nagpapahinga ang ating mga lolo, lola, o magulang na pensioners, nai-stress lang sila sa biyahe at siksikan.

Pwede ba mag-SSS ACOP online? Yes, mamshies. Pwede nang gawin ang SSS ACOP online kahit sa bahay gamit ang smartphone o laptop! 
Good news, 'di ba? Hindi na kailangang pumila sa labas. Ang kailangan lang ay registered ang pensioner sa National ID System (PhilSys) dahil ito ang gagamitin para sa mabilis na facial scan verification. Gusto mo bang malaman kung kailan ang schedule at paano ito gawin? Read on mamshies!

SSS ACOP Schedule: Kailan Dapat Mag-comply ang Pensioner?

Huwag kalimutan ang tamang buwan ng pag-comply para hindi ma-suspend ang buwanang pension. Ang ACOP schedule ay nakadepende sa Birth Month o buwan ng kapanganakan ng SSS member or pensioner:

  • Retirement Pensioners na nakatira sa abroad: Dapat mag-comply sa mismong birth month ng pensioner.
  • Total Disability Pensioners: Dapat mag-comply sa mismong birth month ng pensioner.
  • Survivor (Death) Pensioners: Dapat mag-comply sa birth month ng yumaong miyembro (deceased member).
  • Dependents at Guardians: Dapat mag-comply sa birth month ng miyembro o yumaong miyembro.

Tip: Pwede ring mag-comply nang mas maaga hanggang dalawang (2) buwan bago ang birth month (Early Compliance).

Mga Kailangan Ihanda Para sa SSS ACOP Online Facial Scan

Bago simulan ang online application, siguraduhing handa ang mga sumusunod para maging tuluy-tuloy ang proseso:

  • SS Number ng pensioner.
  • Kaarawan (Date of Birth) ng pensioner.
  • National ID / PhilSys Registration (Dito ibe-base ang facial verification).
  • Smartphone o computer na may maayos na camera.
  • Magandang liwanag sa pwesto para sa facial scan.

Step-by-Step Guide: Paano Mag-Online SSS ACOP Compliance

Hindi mo na kailangang mag-log in sa My.SSS portal para sa facial verification. Sundan lang ang mga hakbang na ito (taray ng hakbang):

Step 1: Pumunta sa Opisyal na SSS Website

Open your internet browser sa smartphone or computer and go to www.sss.gov.ph.

Step 2: I-click ang Submit ACOP Compliance

Sa mismong homepage o landing page, hanapin at pindutin ang button na may nakasulat na “Submit ACOP Compliance”.

Step 3: Sagutin ang PhilSys National ID Prompt
  • May lalabas na tanong: "Are you National ID System (PhilSys)-registered?" Pindutin ang Yes.
  • Sa Data Sharing Content and Undertaking page, i-check lang ang maliit na box at i-click ang Proceed.

Step 4: Ilagay ang SS Number at Date of Birth

I-type ang SS Number at Kaarawan ng pensioner, pagkatapos ay i-click ang Submit.

Step 5: Kumpirmahin ang mga detalye

  • May magpa-pop-up na screen para sa kumpirmasyon ng pangalan. Kung tama ang nakasulat, i-click ang Yes.
  • Kung ikaw ay Survivor Pensioner, sasagutin mo ang prompt kung muling nag-asawa ("Have you been re-married?"). Piliin ang Yes o No.

Step 6: Gawin ang Facial Verification (Liveness Check)

  • Automatic na magdidirekta ang system sa National ID eVerify system.
  • I-click ang “Start Liveness” at itapat ang mukha ng pensioner sa camera. Siguraduhing walang nakatakip sa mukha gaya ng salamin o sombrero para hindi mag-error ang liveness check.

Step 7: I-save ang Confirmation Page

Kapag nag-match ang mukha sa National ID database, lalabas ang confirmation screen na successful ang ACOP. Kapag hindi successful, ulitin na lang. Kapag ayaw pa din, mas magandang mag-comply na lang in person.


Sample actual screenshoot of SSS ACOP online confirmation.

Mag-screenshot o i-print ang page na ito bilang patunay at resibo ng compliance. Ito ang ipapakita sa SSS in case biglang nag-stop pa din ang monthly pension.

Ano ang Gagawin Kung Walang National ID ang Pensioner?

Kung hindi pa rehistrado sa PhilSys sina lola, lolo, mudra o pudra, huwag mag-alala dahil may iba pang paraan para makapag-comply nang hindi pumipila sa branch:

  • Video Conference Appointment: Mag-set ng schedule via MS Teams o Viber gamit ang My.SSS portal para sa online interview sa mga opisyal ng SSS.
  • Mail o Courier: Ipadala ang signed requirements sa pinakamalapit na SSS branch.
  • Authorized Representative: Ipadala sa pinakamalapit na SSS branch sa tulong ng kamag-anak ang valid IDs ng pensioner, ACOP form, at "proof of life" photo (litrato ng pensioner na may hawak na current newspaper). Personal dapat na pupunta sa pinakamalapit na SSS branch ang inyong kamag-anak.

Easy lang, 'di ba masmhies? Share niyo naman sa comments ang ACOP experiences niyo. ☺


Comments

Popular posts from this blog

How to get Bank Certificate from Landbank of the Philippines for South Korea Visa Application

11 Easy and Legit Ways to Get Free Money in the Philippines (2026 Guide)

How to Open a PDTC Report in the Philippines (2026 Guide)