Paano Mag-Online SSS ACOP: Step-by-Step Guide Gamit ang National ID at Facial Scan
Hello, mga mamshie! Napansin niyo ba ang mahabang pila sa SSS branches lately? Sobrang dagsa ng tao dahil sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) and other purposes! Imbis na nagpapahinga ang ating mga lolo, lola, o magulang na pensioners, nai-stress lang sila sa biyahe at siksikan. Pwede ba mag-SSS ACOP online? Yes, mamshies. Pwede nang gawin ang SSS ACOP online kahit sa bahay gamit ang smartphone o laptop! Good news, 'di ba? Hindi na kailangang pumila sa labas. Ang kailangan lang ay registered ang pensioner sa National ID System (PhilSys) dahil ito ang gagamitin para sa mabilis na facial scan verification. Gusto mo bang malaman kung kailan ang schedule at paano ito gawin? Read on mamshies! SSS ACOP Schedule: Kailan Dapat Mag-comply ang Pensioner? Huwag kalimutan ang tamang buwan ng pag-comply para hindi ma-suspend ang buwanang pension. Ang ACOP schedule ay nakadepende sa Birth Month o buwan ng kapanganakan ng SSS member or pensioner: Retirement Pensioners na nakatira...